One Billion Rising

Noong Biyernes, ang Araw ng mga Puso (Pebrero 14, 2014), ay nagtipon-tipon ang ilang mag-aaral ng UP Diliman kasama ang mga miyembro ng Gabriela at iba pang organisasyon sa tapat ng Palma Hall Annex para sa taunang One Billion Rising. Ang One Billion Rising ay isang taunang pagtitipon na ginagawa sa Araw ng mga Puso (o Vday ika nga) na ginaganap sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas maging sa mundo na nananawagan sa matigil na ang karahasan sa mga kababaihan. One Billion Rising ang tawag dito dahil ayon sa istatistika, isa sa bawat tatlong kababaihan ay marerape sa kanilang talambuhay. Kung susumahin, ang bilang na iyon ay isang bilyong babae. Kung kaya’t ang panawagan ng event na ito ay ang isang bilyong babaeng iyon na lumaban, sa wag matakot sabihin sa mundo ang ginagawa sa kanila at sa huli ay matatapos na ang karahasan sa mga kababaihan.1

Mula sa Palma Hall Annex ay nagparade kami sa Academic Oval patungo sa Quezon Hall kung saan ay sumama rin sa amin ang iba pa. Iintayin daw ang iba pang mga kasamahan na nagtipon-tipon naman sa Quezon Memorial Circle. Habang hinihintay sila, sinabi ng emcee na magpractice daw muna kami ng sasayawin namin. Naturo naman na sa amin ang sayaw na ito mula sa aming klase kung kaya’t naging okay naman ang practice naming mga magkakaklase. Inumpisahan na rin ang programa. Sa pangunguna ng ilang guro ay sinayaw naming lahat ang “Isang Bilyong Babae ang Babangon”, ang theme song ng One Billion Rising sa Pilipinas.

Isang kakaibang karanasan para sa akin ang sumama sa One Billion Rising. Matagal ko nang sinasabi sa sarili ko na ako ay isang peminista, ngunit para sa puntong iyon lamang na sumasayaw na ako upang ipakita ang pagtuligsa sa isang malaking sakit ng lipunan ay tyaka ko lang tunay na naramdaman na talagang may ginagawa ako para sa cause na pinaniniwalaan ko.

Bago ang One Billion Rising noong Biyernes ay minabuti ko ring magbasa tungkol sa event na ito. Nakita ko sa website nila na ginagawa nga ito sa buong mundo. Isa lamang itong patunay na kahit ano man ang lahi mo, posible ka pa ring biktima ng karahasan. Nakakatuwang isipin na ang campaign na ito ay pinaglalaban ng maraming kababaihan sa buong mundo. Sabi nga sa kanta, basta’t magsama-sama ang lahat ng kababaihan ay malalabanan natin ang karahasan na ito. Iniisip ko pa lang ang posibilidad ng marape ako, kapatid ko, nanay ko, mga kaibigan ko ay natatakot na ko. Hindi ko lubos maisip kung ano ang gagawin ko, kung anong mararamdaman ko kung ako’y nasa posisyon na iyon. Naniniwala ako na ang rape ay isang bagay na kasalanan talaga sa pagiging isang babae. Mula sa diskusyon sa klase, nanggaling ang attitude na ito mula sa paniniwala nga noon na ang mga babae ay pawang mga “objects” lamang o pagmamay-ari lamang. Ang One Billion Rising ay hindi lang paglaban sa karahasan. Ito rin ay isang pananawagan na ang mga babae ay mga tao. Ang pagrecognize sa karapatan ng isang babae ay ang pagrecognize na siya rin ay isang tao at hindi isang object o pagmamay-ari lamang.

3

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang pagsama kong iyon sa OBR at nakasisigurado akong hindi rin ito ang huling pagkakataon na sasama ako rito. Naniniwala ako sa magandang layunin na ipinaglalaban nito at naniniwala ako sa kakayahan ng kababaihan na lumaban para sa nararpat na sa kanya bilang isang mamamayan at bilang isang tao.

-Samantha Joy U. Cinco; 2012-10478

Advertisements

2 thoughts on “One Billion Rising

  1. Wow! I didn’t know about this event. This is really interesting. I mean, it is a great way for everyone to come together and promote what they are fighting for.

  2. Mabuti nga na merong mga ganitong mga pandaigdigang event para sa gayong kilusan at kaisipan. Malayo man sa atin personal na karanasan, hindi pa rin tayo makakawala sa katotohanan na talagang malubha pa rin ang kondisyon ng mga kababaihan sa mga partikular na bahagi ng mundo. Sana nga’y magtagumpay ang pagtataguyod sa kaisipang nangingibabaw na hindi maaring ituring na isang “bagay” lamang ang babae, o sinumang tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s