Lupang Hinirang, Lupang Hinarang

Noong Enero 21 ay may napuntahan akong isang forum na pinamagatang “Lupang Hinirang, Lupang Hinarang”. Itong forum na ito ay patungkol sa mga magsasaka mula sa Hacienda Luisita sa Tarlac at iba na ring tulad nila na hindi pa rin nabibigyan ng lupa na pinangako sa kanila.

Huling parte na lamang ang naabutan ko ngunit masasabi ko pa rin namang may nakuha ako sa forum na ito. Narinig kong magsalita si Ka Pido at Ka Rudy Corpuz. Sila ay mga magsasaka na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sariling lupa nila ang kanilang sinasaka. Isang malaking pangako nga naman talaga ang binigay ni Pangulong Cory Aquino noon na bibigyan ng lupa ang mga magsasaka. Pero kung maaalala natin ang Mendiola Massacre, maraming magsasaka ang namatay lumalaban lamang para sa lupang ipinangako sa kanila. Hindi ko lubos pa ring maisip na 27 taon matapos ang kahimbal himbal na pangyayaring iyon, hanggang sa ngayon ay wala pa ring sariling lupa ang mga magsasaka. Talaga nga bang pangakong politiko at napapako na lamang ang mga sinabi sa kanila noon?

Malaki ang hirap ng mga magsasaka sa ngayon. Ang ating bansa ay hindi na maituturing na isang agrikulturang bansa, ngunit isang bansag nagsusuplay ng serbisyo. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit mas nagiging pokus na ng pamahalaan ngayon ang pagtulong sa sektorang ito. Ngunit paano nga naman ang mga magsasaka? Isa sa pinakamalaking irony sa ating bansa para sa akin na isa sila sa mga pinakamabababa ang sweldo pero tiyak naman na iba ang hirap ng kanilang mga ginagawa. Subukan kaya ng isang politikong magbungkal naman ng lupa at magtanim. Tapos sa naaani niya ay kaunti lamang ang kanyang naiuuwi para sa kanyang pamilya. Hindi ko lubos maisip kung anong sakit siguro noon para sa isang magsasaka. Nagkaroon sila ng pag-asa nang pangakuan sila ng lupa, pero sa mga sinabi nga sa forum ay hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang sariling lupa na inaani.

Nasaan na nga ba ang mga pinangakong lupa ng mga nasa pamahalaan at bilang isang mag-aaral, ano nga ba ang aking magagawa upang makatulong?

Nabanggit sa forum nga na isang paraan na ang pagattend ng mga forum na katulad noon. Ang pagpunta sa mga ito ay magbibigay pa ng lubos na kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa mga nangyayari sa labas ng ating mga classroom at  sa lipunan. Dito na raw maiaaplay ang mga natutunan natin bilang mga estudyante. Naisip ko naman na hindi lamang sa pagattend ako makakatulong, naisip ko naman na baka makakatulong din naman ako sa ibang paraan. Sa pagorganisa na mismo ng isang forum na magbibigay din ng kaalaman.

Naniniwala ako na dapat mabigyan ng lupa ang ating mga kababayang magsasaka. Mahirap na ang kanialng pinagdaanan at mahirap pa rin ang kanilang pinagdaraanan at masasabi ko na responsibilidad natin bilang mga mag-aaral na nakakapag-aral dahil sa hirap at pagod din nila na sila ay tulunganang makaangat sa kanilang kinalalagyan.

 

-Samantha Joy U. Cinco; 2012-10478

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s