The Nameless Forum and Human Rights Exhibit

Disyembre 9, 2013, ito ay isa sa mga araw kung saan ang aking kaalaman sa mga bagay na nangyari at nangyayari sa aking kapaligiran ay lalong lumawak. Isang araw na nakapapagod, puno ng trabaho, at kung tutuusin ay mahirap, ngunit isang araw na puno rin ng kagalakan, saya, kaalaman, at mga bagong karanasan. Disyembre 9, 2013 ang araw ng ‘The Nameless Exhibit and HR Forum’.

Ang ‘exhibit’ at ‘forum’ na naganap ay ang unang exhibit na naging parte ako sa pagpaplano. Ito ay isang bagong karansan sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang ang kahihinatnan ng aking mga ginagawa, walang kasiguraduhan na maganda ang magiging resulta na aming paghihirap, ngunit pursigido pa rin kaming tumulong upang ang exhibit na ito ay maisakatuparan.

Sa exhibit pa lang ay may mga bagay na akong natutunan, ngunit noong ako ay naupo na at nakinig sa mga tagapagsalita sa forum ay lalo pang dumami ang aking natutunan. Sa mahigit dalawang oras ng pakikinig ay napakaraming bagong ideya, konsepto, at mga kaalaman ang pumasok sa aking isipan. Mga bagay na di ko sukat akalaing nangyari pala noong panahon ng Martial Law, manghang-mangha ako sa mga nagsalita, di lamang dahil sila ay magaling magsalita, pero dahil kaya nilang ilahad sa harap ng maraming tao ang kanilang mga personal na karanasan.

Advertisements

One thought on “The Nameless Forum and Human Rights Exhibit

  1. Nararapat lamang nating dakilain ang kabayanihan ng mga taong nag-alay ng kanilang mga sarili para sa ating bayan. Sana ay dumami pa ang ganitong mga forum at exhibit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s