SECAP

Noong nakaraang linggo ay tumungo ang aking grupo (sa ilalim ng National Anti-Poverty Commission) para magkaroon ng study visit sa Barangay Banaba, San Mateo, Rizal. Ang nagkoordina sa amin ay ang Buklod Tao, isang organisasyon sa Brgy. Banaba na naglalayon na pagtibayin ang kapasidad ng komunidad na magresponde sa mga sakuna. Marami nang programa ang naisagawa ng Buklod Tao na nakatuon sa disaster risk reduction, at ang pinaka tumatak sa akin ay ang kanilang livelihood program, ang SECAP.

Ang Social Enterprise Capital Augmentation Program, o SECAP, ay isang programa na naglalayong matulungan ang mga miyembro ng komunidad na magkaroon ng mas maginhawang buhay. Layon nitong mapababa ang antas ng kahirapan sa pamamagitan ng pamimigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan, lalo na sa mga kababaihan. Ang mga materyales na ginamit nila ay mga bagay na patapon na tulad ng gamit na tetra packs at bunot (niyog). Ilan sa mga produkto nila na gawa sa gamit na tetra packs ay wallet, pouch, hand bag, shoulder bag, back pack, travel bag, at mga paso.  Ang mga produkto na gawa naman sa bunot ay cocofit slippers (gawa sa cocofibers; sinasabing  may therapeutic effect sa paa)at green charcoal briquettes (uling na walang usok at mataas ang heat capacity). 

Nakatutuwang isipin na nagagamit at napagkakakitaan pa nga ng mga mamamayan ang mga bagay na maaaring magdulot at magpalubha ng mga sakuna sa kanilang barangay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s