Taas Noo, Pilipina Ako

Pilipinas- isang bansang mayaman sa kultura. Utang din natin itong yaman natin sa kultura sa mga bansang nangahas na sumakop sa atin. Marami man tayong pasasalamatan sa kanila, mas marami naman ang naiwang sugat sa atin. Dahil matagal na nanatili ang mga Espanyol dito sa lupa natin, sila ang may pinakamaraming impluwensya sa kultura natin.

Isa sa mga kaugalian na sumugat sa atin ay kung paano tayo tingnan ng mga Espanyol. Mas mababa ang tingin nila sa mga babae kaysa sa mga lalaki. Halimbawa nito ay ang edukasyon noong unang panahon, ang mga isyu sa pagboto na ang mga lalaki lamang ang may karapatan bumoto at tumakbo sa halalan.

Hindi nagtagal, nakamit din natin ang kalayaan. Naging mas matatag at matapang ang mga Pilipina. Maraming mga organisasyon  na ang sumusulong sa karapatan ng mga kababaihan. Sumusulong tayo sa pagkamit na magkaroon ng boses ang mga kababaihan sa lipunan. Hindi naman tayo binigo dahil maraming kababaihan na ang nasa panunungkulan sa gobyerno. Dahil naging mataas na ang pagtingin ng lipunan sa kababaihan, taas noo na nating ipagmamalaki na Pilipina tayo.

 -Regine Perania

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s