Sineng Mapagpalaya

Nitong nakaraang Agosto ay may pinanood akong isang serye ng mga dokyumentaryo na isang requirement sa isang asignaturang kinkuha ko. Pinamagatan itong “Sineng Mapagpalaya”

Ang unang dokyumentaryo ay tungkol kay Nanay Mameng, isang ginagalang ng marami na nakatatandang aktibista. Ikinuwento niya ang kanyang buhay, magmula nang bata pa siya hanggang sa naging isang aktibista na siya. Hindi naging madali ang buhay niya ngunit hindi siya sumuko at umusad lamang siya sa daloy ng buhay. Sobrang paghanga ang nararamdaman ko para kay Nanay Mameng. Nakagugulat na sa kanyang edad ay aktibo pa rin siya sa mga aktibidad ng kanyang mga organisasyon. Sa katanuyan nga ay kinikilala siya bilang isang lider ng marami. Malinaw, taimtim, at mula sa puso ang mga sinasabi niya sa kanyang mga talumpati sa mga protesta. Bukod pa rito, ang ginagamit niyang wika ay ang tipo ng wika na madaling maiintindihan ng masa. Ito marahil ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tagos pa rin sa puso ang bawat salita ni Nanay Mameng. Sobrang bilib ako sa mga nakakaya pa rin gawin ni Nanay Mameng ngunit sa kabilang banda ay nag-aalala rin ako para sa kanya. Dahil matanda na nga siya, hindi maiiwasang magakaroon ng mga komplikasyon sa katawan. Ang tanging nais ko lamang para sa kanya ay sana unahin pa rin niya ang kanyang kalusugan dahil sa napanood ko sa dokyumentaryo, halatang hindi iniinda ni Nanay Mameng ang mga nararamdaman ng kanyang katawan.

Sumunod ang dokyumentaryo tungkol sa mga political prisoners o bilanggong politikal. Sa katunayan ay napanood ko na ito dati sa isa ring film showing pero halos kalahating taon na ang nakakaraan. Simula noong una ko itong napanood at magpasa-hanggang ngayon ay nag-uumapaw pa rin ang galit at awa na nararamdaman ko para sa bilanggong politikal. Hindi ba karapatan ng bawat mamamayan na ipahayag at ilahad ang kanyang mga pananaw at paniniwala sa buhay? Kung gayon, bakit kailangan dakpin at pahirapan ang mga bilanggong politkal gayong ang tanging ginagawa lamang nila ay ang ibahagi sa mga mamamayan ang kanilang mga pananaw hinggil sa politika ng ating bansa? Nakakaawa sila. Kung hindi sila hinuhuli, sapilitan silang dinadakip at bigla na nga lang mawawala. Ang iba nga ay pinapatay pa. Marami pa rin sa mga bilanggong politikal ang hindi pa nakikita, at mukhang hindi na sila makikita pa kailanman. Masakit isipin na kung sino na nga ang mga taong may pakialam at pagpapahalaga sa ating bansa, sila pa itong napapahamak.

Ang huling dokyumentaryo ay tungkol sa buhay ng mga pangkaraniwang tao sa panahon ng eleksyon sa Pilipinas. Ang pinakatumatak sa akin tungkol dito ay para bang wala nang natitirang pag-asa ang mga mamamayan na ang ating bansa ay magbabago at uunlad. Hindi na sila umaasa sa mga pangako ng mga tumatakbong kandidato na madalas ay napapako lang din. Kahit ako ay nawawalan na rin ng pag-asa na magbabago pa ang ating bansa. Alam kong mayroon pa ring pag-asa; alam kong may mga pulitiko na talagang may malasakit sa bayan at hindi lamang pera o pagpapayaman ang habol; at lalong di mapagkakaila na lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas ay nagnanais na magkaroon ng kaunlaran sa bansa. Ngunit paano tayo uunlad? Paano tayo aabante kung ang mga nasa tuktok ay bulok na?

2012-26418

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s