Patay o Buhay?

Noong nasa elementarya pa lang tayo, ang mga nabuong imahe at pangalan sa atin kapag naririnig ang salitang bayani ay ang mga sikat na bayani katulad nina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Melchora Aquino at iba pa. Dahil sa ating kamusmosan, nakintal sa ating isipan ang depinisyon ng bayani: mga taong nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Ngayong tayo ay may sapat nang kaalaman sa ating paligid, unti-unti ng nag-iiba ang depinisyon natin ng bayani. Hindi na lamang ang mga nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan at katarungan ang masasabing bayani. Sa panahon ngayon, itinuturing bayani na rin ang mga Pilipinong nagpapakahirap para lamang mabuhay. Sila ay ang mga manggagawa gaya na lang ng mga magsasaka, mangingisda, at mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Bayani na rin ngayon ang mga Pilipinong sumusulong ng kapayapaan at katarungan gaya na lang ng mga pulis, militar, at mga tagapamahayag.

Kung bubuksan natin ang ating mga mata sa mga nangyayari sa ating bayan, masasabi natin na kahit sino ay pwedeng maging bayani, patay man o buhay.

-Regine Perania

Advertisements

2 thoughts on “Patay o Buhay?

  1. I’d like to believe that everyone can be a hero. But sometimes I also wonder otherwise – why the title “hero” nowadays can be and is given to anyone? I’m not saying some people are not deserving or anything for that matter. It just makes me think twice of the definition of hero.

  2. Ako’y sumasangayon sa iyong ideya. Buhay man o patay, maaaring maging bayani ang isang tao. Totoong maaaring di sila maging kasing sikat nila Dr. Jose Rizal at ng iba pa nating bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating bayan pero may mga nabubuhay pa ring mga tao na nararapat na tawaging mga bayani…
    Sa aking palagay, ang dahilan kung bakit di gaanong nabibigyan ng pansin ang iba sa kanila ay dahil sa pagiging “ordinaryo” nila… Bayani kung bayani.. Pero… Ako’y naniniwala na di natin maikukumpara ang mga sakripisyong ginawa ng mga bayani natin dati…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s