Paulit-ulit? Nakakasawa na!

Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na nangyayari sa buhay mo? ‘Yong tipong nababagot ka na at naghihintay na lamang ng kakaibang bagay na magpapabago sa takbo nito? Maski nga siguro sa simpleng pagkain na lamang ay hindi mo mapigilang maghanap pa ng iba kapag hinainan ka ng iisang putahe araw-araw, tama naman diba?

Halos lahat tayo ay nakakaramdam ng pagkasawa sa mga bagay-bagay na paulit-ulit nating ginagawa, nagkakatalo nga lang tayo sa pagtanggap ng sitwasyon.  May mga tao ngang sumusuko na lamang kasi iniisip nila na wala na silang magagawa sa buhay na mayroon sila kaya naman ang paborito nilang sabihin ay “bahala na si batman o kung sino pa man,” habang ang iba naman ay patuloy na nakikipaglaban upang makamtan ang kasiyahan na kanilang hinahangad.

Sa panahon ngayon, talamak sa mga kabataan lalung- lalo na sa mga estudyanteng tulad ko ang pagkasawa at pagkabagot.  Walang araw nga atang lilipas na hindi mo maririnig ang mga litanyang ito, “ang boring naman!” at “nakakasawa na!”Samantalang bilang estudyante, ang tanging responsibilidad lang naman ay ang mag-aral ng mabuti para sa magandang kinabukasan pero bakit pinagsasawaan pa rin nila ito? Kung iisipin, napakaraming taon ang ginugugol ng isang estudyante sa pag-aaral: dalawang taon sa kinder, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa sekondarya at apat hanggang limang taon naman sa tersyarya.  Masasabing nasa labing-anim hanggang labimpitong taon ang nilalaan sa pag-aaral,at dahil dito, ang karamihan ay nagrereklamo na sawang-sawa na sila, na simula pa sa pagkabata ay pinag-aaralan na nila ang 1+1, mga parte ng katawan, iba’t ibang bahagi ng pananalita, at ang gasgas na gasgas ng simuno’t panaguri. Aminin natin, na kahit pinahihirapan ng konti bawat taon ang mga paksa ay hindi pa rin natin naiiwasang hindi makinig dahil naiisip natin “Ay! Alam ko na iyan, lagi na lang ganyan  ang tinuturo.” na masasabing hindi magandang gawi kasi kapag nakasanayan na ito, lalong tatamarin at magsasawang pumasok ang tulad kong estudyante.

Kapag wala namang pasok, ang pang-araw-araw na libangan ay ang kain, tulog at gala o mas kilala sa “KaTuGa,” na nagkaroon ng iba’t ibang bersyon. Hindi rin ito nakaligtas sa pagsasawa ng mga estudyante. Nang nauso naman ang computer, cellphone at laptops, ito na naman ang naging libangan ng karamihan hanggang sa magsawa na naman. May mga ilan ngang humihiling na sana ay may pasok na. Napakagulo no? Maski nga ako ay naguguluhan na sa sarili ko kaya naman paulit-ulit kong tinatanong kung ano ba talaga ang gusto ko, ano nga ba ‘yong mga pinagsasawaan natin at bakit nga ba kasi tayo madaling magsawa?

Eh kung nagsasawa tayo sa mga bagay na parati nating ginagawa, ibig sabihin ba nito, darating ang panahon na magsasawa rin tayo sa pagtulog, pagkain, pagligo at sa iba pang mga gawaing pang-araw-araw? At lalo na sa mga bagay na nagpapasaya sa atin ngayon? Nagsasawa rin ba tayo dahil may nahanap tayong mas hihigit pa sa mga bagay na ginagawa natin?

 Ang tao nga naman, hindi marunong makuntento kung anong mayroon siya na nagiging dahilan sa pagsasawa at paghahanap ng bagong libangan hanggang sa papalitan na naman at paikot-ikot lamang. 

Advertisements

One thought on “Paulit-ulit? Nakakasawa na!

  1. Kahit ganoon man tayo, na madaling magsawa, lumalabas din naman ang pagiging malikhain ng isang tao at kung nasusubok ang kanyang diskarte upang makamit ang kanyang kagustuhan. Ang hindi pagkakuntento nating mga tao ay hindi naman ganoon kasama. Isa itong magandang pangitain na naghahangad tayo ng mga makabagong bagay na magpapaunlad sa atin at pangitain din na tayo ay naghahangad ng kaunlaran.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s