About removing the Tariff on Medicines, Its Components and Medical Equipment

Naaprubahan noong Hulyo taong 2009 (dalawang libo’t syam) ang “Maximum Drug Retail Prices o MDRP upang pagtibayin ang EO bilang Walongdaan at dalawamput isa (EO 821) kung saan nagtakda ang gobyerno ng hangganan o limit sa presyo ng mga mahahalagang gamot.

 

Kabilang rito ang mga gamot para sa pinakamalalaking dahilan ng pagkamatay at pagkakasakit ng mga Pilipino. Ito ay sinunod naman ng mga multi-nasyonal na mga kumpanya at nagdulot ng halos limampung bahagdan (50%) na mas mababang presyo para sa gamot sa sakit sa puso, goiter, diabetes, allergies, impeksyon, influenza, hypercholesterolemia, arthritis at kanser.

 

Ayon sa Departamento ng Kalusugan, noong taong dalawang libo at sampu, halos isang daang uri ng gamot ang naibaba ang presyo na halos pitumpung bahagdan.

 

Kaugnay ng pagpapababa ng presyo ng gamot, isinabatas ang Generics Act upang mas iengganyo ang pagbili ng mga generik na gamot. Ngayon, sinasabing may limamput lima hanggang animnapung bahagdan (55 – 60%) ng publiko ang bumibili ng generic drugs.

 

At isa pa, upang mas maabot ang bayan ng mga kinakailangang gamot, pinalawak ang proyekto na Botika ng Bayan kada barangay. Sa kabuuan, nagbebenta ang mga ito ng mga gamot na may mas mababang presyo. Noong ika-27 ng taong dalawang libo at sampu, higit (16 000) labing anim na libong Botika ng Bayan ang naitayo sa buong bansa.

 

Hindi ako narito upang sabihin na nararapat lang na kulang ang mga gamot para sa mga mamamayan. Hunghang na maituturing kung sasabihin namin sa inyo na kaya kami tutol sa panukala ay dahil gusto naming ang mga Pilipino ay magkasakit.

 

Sa Panukalang Batas na SB 3163 (tatlong libo’t isang daan animnapu’t tatlo), napakaraming aspeto ang dapat busisiin;

 

  • Una, (1) linawin natin. Anu ano na ba ang mga hakbang ng pamahalaan upang pag ibayuhin ang kalagayan ng kalusugan sa bansa?

 

  • Pangalawa, (2) Ano ang VAT o Value-Added Tax at sinu sino ang umaasa at nakadepende dito? Ano ang ginagawa nito at paano ito nakatutulong sa pagpapalaki ng pondo ng gobyerno? Gayundin ang tanong ukol sa taripa.

 

  • (3) Pangatlo, anu ano ang mga korporasyong gumagawa at nagbebenta ng gamot? Masisigurado bang ang pagtatanggal-VAT ay maisasalin upang maging bawas presyo para sa mamamayan? O kaya naman ay mas lalaki pa ang oportunidad sa pagpapalago ng tubo?

 

  • (4) Pangapat at huli, ang panukalang ito ba ang pinakamabisa sa pagreresolba sa problema? Wala na nga kayang ibang paraan? Sinu sino ang maapektuhan? Magdudulot ba ito ng mas malaking benepisyo sa lipunan kumpara sa gastos?

 

 

Ang problema ng pagbigay ng daan tungo sa murang lunas sa sakit ay hindi lamang problema ng panig ng suplay, kundi pati na din sa panig ng demanda.

Sang-ayon po kami sa adhikain ng kabilang panig na gawing mura ang halaga ng mga gamot na kailangan para sa kalusugan ng tao. Sang-ayon din po kami na bigyan ng  kaukulang pansin ang estado ng kalusugan ng mga tao sa ating bansa.

Ngunit hindi po kami sang-ayon sa pagbigay ng “tax breaks” sa mga gamot, makinarya at mga hilaw na materyales na kailangan sa paggawa nito, sapagkat hindi lamang ito isang uri ng pag-iwan sa responsibilidad ng pagkalinga ng estado sa kanyang mga mamamayan, kundi pati na din isang hindi epektibo na pamamaraan ng pagsasayos ng sistema ng pag-alaga ng kalusugan ng Pilipino.

Ang prinisipyo sa likod ng pagpasa nito ay hindi lamang ang pagpababa ng mga bayarin ng isang kumpanya sa paggawa ng produkto nito, kundi pati na din ang pagbigay sa kanila ng kalayaang gawin ang gusto nila sa biyayang ito.

Kapag nawala ang VAT at taripang nakukuha ng gobyerno sa mga produktong ito, magkakaroon ng “distortion”, o ang pagkakaroon ng masamang epekto sa parehas na miyembro ng industriyang ito at ang mga mamimili ng gamot.

Una, magkakaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng mga lumilikha ng gamot. Dahil sa pagkawala ng obligasyon na magbayad ng buwis ng mga taga-likha ng mga gamot, may dalawang bagay na maaaring mangyari:

a.)    Maaari silang umaksyon dito at damihan pa ang produksyon

 

b.)    O di kaya’y gamitin lamang to para makatipid.

Nagkakaroon po kami ng problema dito sapagkat una, hindi naman talaga naaayon na baba talaga ang presyo ng mga bilihing gamot kung nawala na ang mga buwis at taripang nakapatong dito.

Ang prinsipyo na nagpapatakbo nitong teoryang ito ay ang pag-iisip na:

1.)    Ang mercado ng kalusugan ay isang “perfectly- competitive market”, na kung saan kahit sino ay pwedeng pumasok at umalis ng basta-basta lang. At kahit mawala ang isang produkto ay madami pang maaring kapalit.

 

  1. Hindi po ito totoo, sapagkat iba ang industriyang pangkalusugan. Maraming sakit na kadalasan isa o konti lamang ang gamot na pwedeng magsilbing lunas sa mga sakit. Ang mga kompanya na nasa mercado na to ay bilang lamang; kapag nawala sila ay maaaring mawalan ng lunas para sa mga sakit.

 

  1. Mataas po ang demanda para sa mga gamot kapag may sakit ang tao; kaya maaaring itaas ng mga kumpanya ang presyo ng kanilang mga gamot kahit na walang buwis o taripang nakapatong dito bilang pamamaraan ng pagsagot sa problema ng sobrang demanda sa produkto nila.

 

 

2.)    Ang mga kumpanyang na lumilikha ng mga gamot, gamit and mga hilaw na materyales para sa mga gamot ay

 

  1. maliliit, walang masyadong kakayahang pababain ang presyo ng produksyon, at nahihirapang bumenta ng mga kalakal nila dahil sa taas ng halaga ng buwis at taripa. Ngunit sa kontekstong ito, ito ay mali. Ang mga kumpanyang gamot, tulad ng Bayer, Pfizer, at Glaxosmith-Kleine ay malalaking kumpanyang malaki ang kinikita at may kakayahan na magpatakbo kahit na mayroong buwis at taripa.

 

Halos parehas lamang po ang epekto ng pagbigay ng “tax break” at ang pagbigay ng subsidiya ng gobyerno. Binabawasan ng “tax break” at subsidiya ang presyo ng pagpasok at pakikilahok sa mercado ng isang kumpanya.

Ang pagkakaiba ng dalawa ay nasa pananagutan ng mga kumpanya sa biyayang ipinagkaloob sa kanila; sa pagbigay ng tax break sa mga kumpanya, walang masyadong liabilidad ang gobyerno sapagkat kung malugi ang mga kumpanya, walang pwedeng ihabol ang gobyerno sa kanila dahil wala namang pera na ibinigay sa kanila.

At sa paraan ng pagbigay ng subsidiya sa kanila, mas mayroon tayong habol sa mga kumpanya para gawin nila ng maayos ang kanilang trabaho. Sapagkat mayroong perang ibinigay sa kanila, mayroon tayong idedemanda kung sakaling hindi nila to gamitin sa tamang pamamaraan.

Nakita na natin ang ginawa ng Estados Unidos sa sistemang “tax breaks”; ang nakinabang lamang nito ng sobra ay ang mayayaman lamang, at kakaunti ang nakaramdam ng benepisyo nito sa mahihirap. Hindi nagagawa ng mga kumpanyang nasa ibang bansa na iparamdam ang benepisyong ibinibigay ng polisiyang ito sa mga Pilipinong walang masyadong kakayahang bumili ng gamot.

Ang pagsisiguro na ang mga mamamayan ng isang estado ay trabaho dapat ng gobyerno na hindi lang dapat iniaasa sa mercado. Ang pangunahing layunin ng mercado ay ang gumawa at makakuha ng tubo, hindi ang pangagalaga ng maysakit; dahil dito ay hindi naman talaga sila maaasahan na umalaga sa mga maysakit na Pilipino. Bagkus ay dapat gumawa ng mga kongkretong hakbang ang gobyerno upang matamasa ito ng mga mamamayan tulad ng pagpapalago ng programang Philhealth.

Advertisements

One thought on “About removing the Tariff on Medicines, Its Components and Medical Equipment

  1. Marami akong natutunan sa blog post na ito tungkol sa MDRP. Sumasang-ayon ako sa sinabi mong hindi sapat ang “tax breaks” upang masigurong magiging abot kaya sa mamamayan ang gamot na may tamang kalidad. May katanungan lamang ako sa sinasabi mong “subsidiya ng gobyerno”, anong mga uri ng kumpanya ang maaaring makakuha ng subsidiya kung sakaling ito ang gawin ng gobyerno?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s