Lahat ng bagay sa mundo ay may rason. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Ang tanong lang ay ano at bakit. Hindi ba tayo napapaisip kung bakit tayo nandito sa mundo? Ano nga ba ang katungkulan natin dito? Nung isang araw sumakay ako sa isang taxi, kinausap agad ako ng drayber at nakipagkwentuhan siya sa akin.  Tinanong niya na ako ng mga personal na bagay tulad ng ilan ang mga kapatid ko, at kung anu-ano pa. Humingi siya ng tawad, napansin siguro niyang naiilang ako sa pagsagot at natatakot na din. Sabi niya, ganito lang daw talaga siya sa lahat ng kanyang pasahero. Gusto lang niya malaman kung anong klase ng buhay mayroon ako, natutuwa daw kasi siya kapag naiisip niyang lahat ng tao ay may sari-sariling pamumuhay, may sariling mga problema, sariling mga karanasan. At kinwento niya ang kanyang buhay. Pati na din ang mga karanasan niya sa iba niyang pasahero. Kapansin-pansin na napaka-masayahin niyang tao. Lahat ng bagay, kahit mga problema, ay kanyang nabibigay saya. Napakapositibo lamang ng kanyang mga pananaw sa lahat ng bagay. Tinanong niya uli ako: Ano ba ang tingin mo sa buhay. Wala akong nasagot. Hindi ito isang tanong na naririnig ko araw-araw, o nailalagay sa aking isipan palagi. Naiisip ko lang ito kapag ako ay may problema, o may pinagdadaanang mabigat. Bakit nga ba tayo nandito? 

Siguro nga walang tunay na makakasagot nito. Ngunit, sa mga oras na tayo ay nandito sa mundo dapat ay gawin natin ang lahat ng ating  makakaya upang magkaroon ng buhay na masaya at may kulay.

Advertisements

5 thoughts on “

  1. Kung ako rin ang nasa posisyon mo, makakaramdam ako ng takot sapagkat hindi naman uso sa mga drayber ng taxi na magkwento ng kanilang buhay. Nakakatuwa lang isipin na sa mga ganyang pagkakataon, may mga tao na nagbabahagi ng saya at pagiging positibo sa buhay. 🙂

  2. Naalala ko tuloy nung nag speed dating kami sa Comm 3. At tinanong ng prof namin “What is the purpose of life”. Wala kaming masabi ng partner ko. Siguro ay kanya kanya tayong ng pagtuklas pero talga mahirap ngang sagutin ang tanong na iyon. Sa tingin ko mas makahulugan ang tanong na anong nagawa mo sa iyong buhay at pano mo ‘ginamit’ itong biyayang ito? 🙂

  3. Nakakatuwa na minsan sa ating buhay, ang mga maliliit na bagay ay magagawa tayong pag-isipin ng malalim, sino nga ba naman ang mag-aakala na sa simpleng pagsakay niya sa taxi ay mapapaisip siya ng malalim tungkol sa buhay. Kung tutuusin mahirap nga naman talagang sagutin ang kasagutan na iyan, ngunit unti-unti rin nating malalaman ang ating halaga sa mundong ito, basta’t tayo’y hindi makalilimot huminto at mag-isip-isip. 😀

  4. Nakakatuwa naman. Siguro nga lahat ng tao may kanya kanyang mga poblema, alalalahanin at trabaho kung kaya’t bawat isa tayo ay nagiging “kakaiba” at sa tingin ko ay maganda yun dahil kung magkaroon man ng pagkaparehas sa buhay ng tao eh para san pa ito?

  5. Kakaiba si kuya ah 🙂 Siguro nailang ka lang dahil hindi naman ganun kalinaw yung tanong niya. Ano tingin mo sa buhay? Siguro kung ako sasagot, sasabihin ko na ang buhay ay isang tanong kung saan sa katapusan lamang nito mahahanap ang sagot. Kadalasan nga naman ang tanong na ano nga ba dahilan ng pagkabuhay ng isang tao. Pero ang totoo niyan, hindi mo naman talaga maisasagot ang tanong na ‘yan hangga’t ‘di mo nakikita o nararamdaman man lang ang ambag ng kabuuan ng buhay niya. “Hinahanap” daw nila ang sagot pero para sa akin ang sagot ay binubuo at ‘di hinahanap. Nagsisikap at nakikipagsapalaran para maiwan ang ating ambag sa mundong ito sapagkat dito sa ambag na ito nating makikita ang dahilan ng pagkabuhay natin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s