Wikang Malaya

Wikang Malaya ni: Eina Izabela Zaide Concepcion

Ang wika ay paraan para maintindihan ang iba’t  ibang mensahe at idea na kumakalat sa isang lipunan.  Kapag tunay na dalubhasa ka sa isang wika, maiintindihan mo ang nais sabihin sa kontektsto ng mensahe base sa nakatakdang lugar, panahon, at target audience. Sa ganitong pananaw, malahaga ang karunungan ng mamamayan sa sariling wika para matanto niya ang katotohan, lalo na sa isang maka-kapitalistang mundo na  ma-ilusyon.

Maraming halimbawa ang nakikita sa pali-paligid, isang halimbawa rito ay ang mga hidden messages na nakikita sa isang mall.  Ang mga mall ay itinatayo raw para sa ikagiginhawa ng lipunan ngunit ang mensahe na natutukoy ng isang bihasa sa wika ay na ang mga ito ay mga halimaw ng opresyon.  Ang mga saleslady at staff ay nade-dehumanize.  Akala mo’y maganda ang kalagayan nila sa kanilang policy na ‘service with a smile’,  ngunit yun nga lang, ang ngiting yun ay pilit at hindi sumasalamin sa mga kondisyon nila sa trabaho.  Wala silang benepisyo, kontraktual pa, at habang sila ay naghihirap, minsan’y naka-costume ng elf, fairy, santa (o kung anomang theme ang pinapa-uso ng mall sa panahong iyon) pa!  Ginagawa silang bahagi ng mall, o bahagi  ng pagpapalaganap ng negosyo. Wala silang sense of self identity at hindi sila tinitingnan bilang tao. Sa arkitektura pa ng mall sa Pilipinas, makikita ang capitalist-imposed maze.  Ang mga magagandang pamilihan ay pinagtabi para pagkatapos mo mag-shopping sa isang bilihan, maaakit kang mamili sa katabi.  Minsan mahirap pang lumabas sa mall kasi hindi mo mahahanap kaagad ang exit at maaakit ka pa pang mamili-mili.  Sa mall, wala ring mga orasan, na parang ang mensaheng pinaparating ay “hindi tumatakbo ang oras dito, manatili ka na lang muna rito at mag-enjoy.”  Pinapalaganap ang tinatawag na middle class aspirations, o ang aspirasyon ng inaapi na maging tulad ng kapitalista, sa pamamagitan ng mga ari-arian. Sa ganitong pamamaraan ang tao ay mawawala sa maze, at kung minsa’y tumatangkilik pa rito. At sa bawat pamimili ay yumayaman ang kapitalista, at naghihirap ang mga uring inaapi ng maze na ito.  Sa pamamagitan ng pamimili at pagtangkilik dito, mas lalong lumalaki ang Mall Monster at naagawan niya ang mga resources ng mga naaaping nabubuhay sa isang living purgatory sa labas ng mall na nilarawan ni Sandoval.

Sa usapang media, matatagpuan ng mga bihasa sa wika ang tunay na mensahe na nakatago sa likod ng mga masasayang entertainments shows kagaya ng Wowowee ni Willie Revilame.  Sa TV show na ito, binibigyan ng pera ang mga mahihirap na tao pagkatapos nilang ipakita ang kanilang mga talento.  Kung minsan pa nga ay pinapanayam pa ni Willie ang mga kontestant at pinapagawa ng mga kung ano-anong bagay, at saka siya ito binibigyan ng pera.  Ang mga kontestant ay masaya dahil sila ay na-TV nguit ang hindi nila nakikita ay, na sa halip na sila ay magkaroon ng 3 minutes of fame, sila ay sumasailalim sa 3 minuto ng pangungutya.  Sa ganitong klaseng programa, nagagamit ng mga naghaharing-uri ang kanilang kontrol sa media para pagtatawanan at ginagawang lukayo o jester ang kontestant galing sa nakabababang-uri.  Habang ang pagbibigay ng pera sa mga kontestant ay nagbigay ligaya sa audience, maaari ding tingnan bilang gantimpalang salapi sa pagiging magpakumbaba, mangmang at uto-uto.   Pinapanood ito ng marami sa akalang katuwaan lang ito para sa lahat.  Ngunit kung tutuusin, dito nakikita ang power play ng matataas at ang opresyon at pagbabastos sa mga inaaping uri. Ang illusion ng isang masaya at magandang TV show ay nababasag sa mata ng taong bihasa sa wika dahil nakikita niya ang totoo.

Marami pang ibang halimbawa ng illusion sa lipunan. May mga pader na nagata-takip sa mga iskwaters area, mga naghihingalong parte ng lipunan, mayroon pang mga advertisement para anyayahin ang tao na tumangkilik sa produktong nagbibigay-ginhawa, ngunit sa totoo’y makakatulong lamang sa pagpapalaganap ng konrol ng mga kapitalista sa bayan, at marami pang iba.  Sa gayong paraan, ang hamon ay ito: Dahil sa kakayahan ng wika na tumulong sa pagiging mulat at kritikal, na tumutulong para salain ang mga mensahe na pinapalaganap ng mga kapitalista, na tumutuon para tukuyin ang mga sinungaling at isiwalat ang mga itinatago, kailiangan nating gamitin ang wika bilang pwersang panlaban sa mga nang-aapi.  Dahil tayo ay naninirahan sa isang bansang demotratiko sa pangalan, ngunit martial law sa dangal, kailangan nating magpamulat at gamitin ang freedom of expression para ilabas ang katotoohan.  Ang taong mulat ngunit pipe ay para na ring taong mangmang.  Kailangang bigyang katarungan ang mga inaapi, kailangang ilabas ang mga nakatago, kailangang gibain ang mga pader at maze ng illusion.  Kailangang ikalat ang pagiging dalubhasa sa wika sa pamamagitan ng tamang pagagamit ng wika ng mga taong mulat sa utak at malaya sa dangal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s