Bantayog ng mga Bayani

“Ano ba ang ibig sabihin ng bantayog?”, ito ang unang tanong na narinig ko mula sa aking mga kaklase noong pumunta kami sa Bantayog ng mga Bayani noong Lunes para sa aming CWTS. Dito ay makikita ang mga pangalan ng mga taong nagsakripisyo ng kanilang bl   uhay para sa ating bansa, ang ating mga bayani. Mayroon ding isang stwa ng isang babae’t lalaki na sumisimbolo sa Inang Kalikasan at isang bayani. Sinasabi nito na sa bawat paghihirap ng mga bayani, ang Inang Kalikasan ay pilit silang tinutulungan upang sila ay hindi sumuko. Sa pag-ikot namin sa loob ng Bantayog, nakita namin kung paano nagising ang nasyonalismo ng bawat Pilipino sa pamamagitan People Power Revolution. Naintindihan naming kung ano ang nagdulot sa mga Pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan. Nanood din kami ng maiksing ‘film showing’ na nagpapakita kung ano ang mga ginawa ng mga Pilipino para maging malaya sa diktaturang presidente na si Marcos.

Ngunit, sa lahat ng kanilang ginawa noon para sa ating kalayaan. Tuluyan nga ba nating nakamit ito? O hanggang ngayon ay namumuhay tayo sa kasinungalingan? Dapat ay patunayan natin sa mga taong ipinaglaban ang Pilipinas noon na may saysay ang kanilang mga sakripisyo at tayo ay namumuhay ng malaya sa ating bansa.

 

 2012-58972

Advertisements

3 thoughts on “Bantayog ng mga Bayani

  1. Batay sa mga kasalukuyang nangyayari ngayon, masasabi kong hindi pa tayo lubos na malaya. Nasabi ko ito sapagkat marami pa rin sa atin ang nabibihag ng bulok na sistema na nagpahirap sa bansa natin sa loob ng maraming taon–ang sistema ng korupsyon. Marahil ang sistemang ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin natin natatamo ang tunay na kalayaan. Nakaw dito, nakaw doon ang naging patakaran sa buhay ng karamihan sa mga halal na “lider”.Dahil ninanakaw lang ng mga politiko yung perang magagamit sana sa maganda, patuloy pa na magpapasan ng krus si Juan.

  2. Masasabi kong hindi pa rin natin nakakamit ang tunay na kalayaan. Sa aking palagay, lahat ng ginawa ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan ay masasayang lamang kung hindi pa rin tayo matututo sa mga kamalian natin mula sa nakaraan. Katulad nga ng nasabi nung tayo’y nasa Bantayog ng mga Bayani, “napatalsik nga ang diktator na si Marcos ngunit ang kanyang mga cronies ay nasa kapangyarihan pa rin.” Dahil dito, sa tingin ko, kaya hindi pa rin natin nakakamit ang tunay na pagbabago. Hanggat maraming Pilipino pa rin ang naghihirap at nagugutom, hindi magiging tunay na malaya ang ating bansa. Kung kaya’t sana hindi tayo pumikit sa mga problemang ito at makisama sa mga hakbang upang masolusyunan ito.

  3. Sa tingin ko kahit papaano ay may ginagawa naman tayong hakbang ukol sa mga isyu sa lipunan ngunit hindi pa ito sapat. Isama pa dito ang hindi na nabagong baluktot na sistema ng ating gobyerno.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s