9-21

May higit apat na dekada na ang nakaraan nang ideklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas. Nais kong ibahagi sa inyong mambabasa ang lumagong ekonomiya natin sa panahon na iyon upang magkaroon ng bagong pagtanaw sa hindi kanais nais na pangyayari noong dekada sitenta. Ngunit hindi ko nais iparating na kailangan natin magkaroon ng kamay na bakal na nagtatakbo sa bansa upang pataasin ang ekonomiya ng Pilipinas sapagkat hindi pa rin malilimutan ng sambayanang Pilipino ang kawalan ng karapatan at kalayaan na higit na mahalaga.

Dahil sa mahigpit na pamamalakad ni Marcos, at takot ng mamamayan, tinapos ng Martial Law ang kawalan ng tatag sa gobyerno. Klaro kung sino ang susundin, klaro kung ano ang gagawin at klaro rin ang pagkamatay ng karapatang pantao. Hindi mabuti para sa karamihang Pilipino ngunit positibo ito sa mga dayuhang mangangalakal, nagkaroon sila ng seguridad. Nagpatayo ng mga imprastraktura ang pangulo para sa mga gaganapin na pandaigdigang pagpupulong sa Pilipinas. Kasama rin dito ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theatre, Philippines International Convention Center. Hindi katakatakang tumaas ang kita mula sa capital formation noong taong 1972 (11.4%growth rate at constant prices) at halos dumoble naman sa 1973 (20.2%). Noong taong 1973 nakita ang unang malaking pag-usbong sa ilalim ng pamumuno ni Marcos. Sa taong ito tayo nagkaroon ng 8.9% GDP growth rate. Ngunit hindi nagtagal ay naghimagsik na ang mga Pilipinong. Sa panahon ng pakikipaglaban sa mga nakaupo, ang ekonomiya ng Pilipinas ay bumagal ng bumagal hanggat naging 1.9% na lamang ang growth rate noong 1982. Ang susunod na taon, 1983, ang taon nang barilin si Benigno Aquino Jr sa palapagan ng mga eroplano. Mula sa ating Kasaysayan, maaalala nating ang pagkamatay ni Ninoy ang nagtulak sa marami na magrebelde laban kay Marcos. Mula sa 1.9% growth rate noong 1982, naging negatibo ang numero, -7.3% hanggang 1984.

Nakabawi naman ang ekonomiya ng Pilipinas ngunit mabagal pa rin, naging negatibo noong World at Asian Crises at umusbong sa pamumuno ng iba’t ibang mga pangulo. Nagkaroon ng siglo ng booms at busts.

Sa kasalukuyang pamumuno ni Pangulong Benigno Aguino III, nababayaran na natin unti unti ang mga utang sa labas ng bansa at noong huling sangkapat 2013, tayo ay nagpakita ng 7.5% growth rate. Masaya na tayo dito. Ang hinihiling ko na lamang ay malutasan na ang kaguluhang nangyayari sa Zamboanga na maaring maging hadlang sa pagkakaroon ng payapa at masaganang Pilipinas.

http://nscb.gov.ph/sna/DataCharts.asp

 

2012 58390

Advertisements

2 thoughts on “9-21

  1. Nakatutuwang malaman ang mga impormasyon na ito dahil ito’y bahagi na ng ating kasaysayan pero hindi natin masyado pinapansin. Totoong di maikakaila na naging maayos naman ang ekonomiya ng bansa noong panahon ni Pangulong Marcos, ang tanging naging problema lang talaga siguro ay nang maging mahigpit na ang pamamalakad at nauwi na sa diktaturya. Mula noon nagsunod-sunod na ang pagbaba ng ating ekonomiya. Ang tanging hiling ko na lang talaga sa ngayon ay sana magpatuloy na itong unti-unting pagtayo at paglago ng ating bansa para naman makahabol na uli tayo sa mga bansang halos kasabayan lang natin noon pero nangunguna na ngayon.

  2. Totoo ang impormasyon na inilahad mo dito. Ilang beses ko na rin naitanong sa aking mga magulang kung ano ba ang naranasan nila noong panahon ng pamumuno ni Pangulong Marcos. May disiplina na naiimpok sa isipan ng mga Pilipino noon. Naipaunlad din ni Marcos ang estadong pang-ekonomiya ng bansa. Hindi maikakaila na may naitulong pa rin siya sa ating bansa sa kabila ng strikto at hindi gaanong maka-taong pamumuno niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s