Sasakyan Kita

Aambon. Uulan. Babagyo. Babaha. Lalangoy sa baha. Magkaka-Leptospirosis. Masasalanta ang bahay. Iiyak. Magrerebelde sa gobyerno.

Hindi na ito bago. Sa mga taong nakalipas, at sa mga bagyong nagdaan, bakit tila walang pagbabago sa ating pamamaraan ng pakikibaka sa ulan? Bakit paulit-ulit na lang na natatalo tayo ng bagyo?

Kumbaga sa boxing, lagi na lang tayong knock-out.

Taon-taon na lang, laging may namamatay dahil sa ganitong mga pangyayari. Taon-taon na lang tayong hinihingan ng mga lumang damit para sa mga nasalanta. Masyado yata nating mahal ang ulan, na hindi na tayo nag-aabalang magdala ng payong o ng kapote; na kahit may paraan naman para maiwasan ito, nagkikibit-balikat na lang tayo at sinasabing “Bahala na”.

Ngayon, bibigyan na tayo ng arko, hindi pa ba tayo sasakay?

Ang Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) ay ang pagtugon ng ating gobyerno sa mga suliranin sa mga bagyo. Ang layunin nito, ayon kay P-Noy: “ang magkaroon ng mas tiyak at mas maaasahang sistema para mailayo sa peligro ang ating mga kababayan, at maiwasan o mabawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad sa atin pong bansa.”

Para sa akin, napakaganda ng proyektong ito. At kung maisasakatuparan nang maayos, baka maging paraan ito upang matuldukan na ang palagian na lang nating pagkatalo sa mga bagyo. Baka, sa wakas, ma knock-out naman natin siya.

Pero, hindi lang dapat gobyerno ang kumilos. Dapat rin tayong makisama at maki-isa sa mabuting layunin ng proyektong ito. Huwag lang tayong tumunganga dahil panahon na para kumilos. Hindi naman natin kailangang kalabanin ang bagyo kung maaari naman natin itong iwasan.

 

Elizabeth Borromeo

2012-13137

Advertisements

4 thoughts on “Sasakyan Kita

  1. natuwa ako doon sa rerebelde sa gobyerno na parte =D oo nga eh, ganyan na lang halos parati tuwing magkaroon nang sakuna sa isang lugar sa bansa. Dapat siyempre parating may alam tayong gawin para sa sarili natin at sa ating mga minamahal pagdating nang mga problemang gaya na lamang nang pagbagyo. Dapat alam natin kung paano maghanda sa mga sakunang ito at siyempre matutong gamitin ang lahat nang mga posibleng makakatulong sa ating paghahanda tulad nitong NOAH.

  2. Tama ka Beth! Hindi lang dapat ang gobyerno ang gumagalaw ngunit dapat lahat tayo. Ang bawat isa sa atin ay dapat magkaisa upang maisakatuparan ang mabuting layuning ito.

  3. Mas maganda sanang solusyon kung bawasan natin ang mga tao na pumupunta sa Metro Manila sa paniniwalang may magagandang trabaho dito; sa halip ay dapat gumawa ng paraan upang mapalapit pa ang mga pagkakataong ito sa mga tao sa probinsya upang hindi na sila makadagdag sa problema ng baha, ulan at bagyo dito. Nagsisimula naman ito karaniwan sa illegal settlers na minsa’y akakasabagal na sa daluyan ng tubig; nakadadagdag sa mga nagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan, at ang paghikayat pa sa mga tao sa probinsya na lumipat dito.

  4. Dapat lahat tayo ay magtulong-tulong para kabutihan ng bawat isa at suportahan natin ang mga proyektong makabubuti para sa bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s