Naisip Mo Man Lang Ba?

Kung mapapansin natin, napapadalas na ang mabilis na pagbabago ng panahon, mula sa sobrang init bigla na lamang may darating na sobrang lakas na bagyo. Hindi laman ito subalit makikita rin natin na lalong dumudumi ang hangin na nalalanghap natin. Dumarami din ang mga kalat sa kalsada, ilog at mga kanal. Marami na ring mga gubat ang ngayo’y kalbo na o kaya naman ay napagtayuan na ng bagong istruktura.
Noong mga unang panahon ang mga problema sa kalikasan ay hindi pa gaanong inuuna ng mga tao. Ito ay nakabase sa paniniwala na madali naman itong solusyunan at hindi naman talaga ito masisira ng tuluyan dahil ang ating Inang Kalikasan ay kayang alagaan ang kanyang sarili. Subalit makalipas ang ilang daang taon, napagtanto ng mga tao na maling-mali ang kanilang paniniwala. Dito pa lamang silang nagsimulang gumawa ng mga aksyon at habang upang protektahan ito. Ngunit ang mga aksyon na ito ay hindi pa rin sapat. Mas marami pa rin ang sumisira sa ating kapaligiran kaysa sa mga nagtataguyod na maisaayos ito. At dumating na nga na kung saan ang epekto ng mga pagsira na ito ay nakikita na natin talaga. At dito na nagsimula ang tunay na paghakbang ng mga tao upang maisayos ang mga nasira at tulungang maibalik sa dati ang ganda ng ating kapaligiran.
Sa estado ng ating kamalayan sa mga aksyon para sa kalikasan ay medyo mataas na subalit hindi pa rin ito sapat. Hindi pa sapat na ang sangkatlo ng ating mga mamayan ay alam ang dapat gawin. Kahit mga mahigit 50 porsyento ay sapat na. Subalit paano nga ba natin itaas ang kamalayan sa ganitong mga bagay?
Ang mga nakitang solusyon ng United Nation Environment Programme (UNEP) ay ang masusing pagpapayahag sa mga piling grupo sa lipunan, pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng gobyerno at NGOs, ang maayos na paggamit ng ating mgas media at pati na rin ang pagsiimula ng pagtuturo ng mga mga bagay na ito sa mga paaralan.

Sa masusing pagpaphayag sa mga piling grupo sa lipunan, ito ay isa sa mga magandang hakbang sapagkat ang dahilan kung bakit madalas walang pakialam ang mga tao ay dahil sa hindi nila alam kung paano maapektuhan ng mga isyu sa kapaligiran ang kanilang mga pansariling mga buhay. Mauunawaan nilan ito ng ayos kung maiipapakita ito sa kanila ng tama. Dahil na rin sa gumagawa ng aksyon ang mga organisasyong internasyonal, kailangan na rin humakbang ng ating gobyerno at kahit ng mga NGO dahil may mga bagay na hindi kayang gawin ang mga orgaisasyong internasyonal. Ang mga problema sa komunikasyon, relihiyon at estado sa buhay ay tanging ang mga nasa lokal lamang ang kayang gumawa. At dahil nasa panahon na nga tayo kung saan ang halos lahat ng tao ay may telebisyon, cellphone, computer at laptop, napakalaking impluwensya ang maitutulong kung maipapakalat natin ng tama ang edukasyon at sapat na kaalaman para sa ating kalikasan. At ang huling-huli nilang nabanggit na pagsisimula ng pagtuturo ng mga kaalaman na ito sa paaralan ay isa sa mga pinakamagandang ideya. Alam natin na hindi madali magturo sa mga bata ng ganitong bagay subalit ang ating kamalayan ay pinakang nagiging epektibo kung simula pa lamang sa pagkabata ay alam na natin kung ano ang ating mga dapat gawin. Dapat natin pagtibayin ang ganitong mga polisiya.
Ang aking kamalayan sa kalikasan ay nagsimula noong ako’y isinali sa mga paligsahan tungkol dito, at dahil dito, maraming mga bagay akong natutunan at naibahagi sa aking mga kaibigan. Akin itong ipinagpatuloy hanggang sekondarya at nag-iisip pa ng paraan kung paano palawakin ngayong ako ay nasa unibersidad na. Ang gusto ko lang sana para sa ating lahat ay mabuhay at tumaas ang ating pagtingin at paggalang sa ating kalikasan. Kung ngayon lang man mo ito maisipan, hindi pa huli ang lahat upang ikaw ay magsimula.

Source:

http://classroom.synonym.com/ways-increase-public-awareness-environmental-problems-2590.html

-Grandiehl Shyrr Enriquez 2012-29603

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s