Bayani Ngayon

Nabago na ang panahon. Pero hindi pa rin natatapos ang mga pakikibaka.

Hindi na kalayaan ang ating ipinaglalaban. Nakamit na natin ito ngunit sa kabilang banda ay masasabi ko pa rin na hindi pa rin tayo ganap na malaya…ngunit ibang usapin ito at ang nais ko ngayong bigyan ng pansin ay kung sino na nga ba ang maituturing na bayani sa kasalukuyan nating panahon – panahon ng kahirapan sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya at iba pa.

Maaaring maging bayani ang sinuman sa iba’t-ibang larangan.

Sa sarili kong depenisyon, ang bayani ay sinumang may ipinaglalaban sa buhay na maituturing na makatuwiran at makabuluhan, maging maliit man o malaki, para sa ikabubuti ng mas nakararami at hindi lamang sa pansariling mga interes, nang walang hinihintay na anumang kapalit, sa kabila ng mga balakid o mga hadlang.

Ilan sa mga itinuturing kong bayani, na lubos kong iniidolo, ay ang mga taong handang iwan ang maririwasa nilang buhay mapuntahan lamang at maabot ang mga pinakaliblib ng lugar ng bansa upang makapagbigay-serbisyo sa mga kapuspalad. Isa na rito  ang mga nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataang malayo sa mga paaralan at hindi kayang tustusan ang pag-aaral ng kanilang mga magulang. Sila ang mga taong mas iniisip ang kapakanan ng iba at nakikita ang mas maraming posibilidad ng kanilang mga paghihirap at pagsasakripisyo ng walang pag-aalinlangan.

Nariyan rin ang mga bayaning maituturing na mga kabataang nagsusumikap makapag-aral sa kabila ng kakapusan sa pera, kakulangan ng mga pasilidad at kawalan ng mga libro at pati na rin mga guro sa mga malalayong lugar. Pero sa halip na magbanat na lamang ng buto at tumigil sa pag-aaral ang mga batang ito, ay tatawid pa sila sa mga delekadong daan, lalangoy pa sa ilog, aakyat sa matatarik na lugar at maglalakad pa ng ilang oras, dala lamang ang putol na lapis at ilang pirasong papel, suot ang pudpod na tsinelas, makarating lamang sa kanilang mumunting eskwelahan kung saan ay aawit na silang muli ng kanilang abakada, magbibilang ng mga bunga ng puno ng mangga, halinhinan sa pagbabasa ng iilang libro, at magsusulat ng kani-kanilang mga pangalan na kailanma’y ‘di tatatak sa ating mga puso’t isipan na minsan ding silang naging bayani sa mga sarili nilang mumunting paraan.

Alam kong hindi lamang sila ang nararapat na bigyang papuri at bigyang pansin sa mga kabayanihang kanilang ipinamamalas. Gayun pa man ay saludo ako sa kanilang lahat na hindi man natin nakikilala ay patuloy sa kanilang pakikibaka.

Advertisements

3 thoughts on “Bayani Ngayon

  1. Tama! Ang lahat ng tao ay maaaring maging bayani sa iba’t ibang larangan sapagkat iba iba naman talaga ang tao. Kailangan lang natin talagang kilatisin at bigyang pansin ang mga ito. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s