Mga Bagong Bayani

Sa mga nakalipas na linggo, maraming insidente ang yumanig sa ating bansa. Isa na rito ang mga bagyong bumayo sa ating bansa tulad ni Maring at ng Habagat na nagpasakit sa ating mga kababayan. Isa pa ay ang pagsasalpukan ng dalawang barko sa Talisay, Cebu na tumikis sa buhay ng karamihan sa mga pasaherong nalunod kasama ng lumubog na barko. Nakakapanlumong mga pangyayari, subalit sa likod nito, naniniwala akong dito lumalabas ang mga makabagong bayani.

 

Ano nga ba ang isang bayani? Para sa akin, hindi lamang nasusukat sa tapang o talino ang pagiging isang bayani. Nakikita ito pagpapakita niya ng konsepto ng pagka-Pilipino. Ang pagpapakita ng malasakit sa iba habang hindi inaalintana ang maaaring mangyari sa kanya, ang paggawa ng karampatang aksyon upang makatulong sa pagpapabuti ng kapakanan ng iba, at higit sa lahat, ang hindi paghingi ng kapalit sa mga nagawa niya para sa kapwa. 

Sa mga pangyayaring dumating sa mga kapwa nating Pilipino, lumilitaw ang mga makabagong bayani. Tulad ng mga “rescuers” na sa gitna ng pagbayo ng malalakas na ulan at hangin ay sinikap na mailikas ang ating mga kababayang nasa bingit ng panganib. Ang mga “divers” na hindi sumusuko sa paghahanap ng labi ng mga nasawi sa lumubog na MV St. Thomas Aquinas 1. Ang mga taong nagbabahagi ng tulong nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain, damit at iba pang klase ng mga bagay na makakatulong sa mga naging biktima at ng mga “volunteer” na walang sawang tumutulong sa pag “rere-pack” ng mga “relief goods”. Ito ang mga bagong bayani ng ating panahon.

Bawat isa sa atin ay maaaring bayani dahil likas na sa ating lahat ito. Nasa sa atin na lamang ito kung paano natin huhubugin at sa paanong paraan natin gagamitin ang pagiging isang bagong bayani.

 

-de Vera, Therese Lee R. 2012-44853

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s