Bayani

 

Dinamitan ang mga supling. Ipinaglaba.

Pinakain ng tama ang pamilya. Pinagluto. Almusal. Tanghalian. Hapunan. Pati na rin ng merienda sa pagitan.

Tinuruan ng magandang asal.

Tinuruan ng dasal.

Gumising ng maaga upang ihanda ang baon sa eskwelahan.

Ipinagaral. Isinalba sa pagkakamangmang.

Binulos. Binigyan ng kalayaan sa pagpili ng nais tahakin sa mundo.

Tinuruan ng mga gawaing bahay.

Ipinalaki ng may kasarinlan.

Nirespeto ang mga desisyon.

Tinanggap ng buo.

Inalagaan sa pagkakasakit.

Sinuportahan sa mga gawain.

Tinuruan magsayaw at magkanta.

Binilhan ng kagamitang kailangan.

Nagbuhos rin ng pawis para mabili ang mga gusto.

Inaruga. Inasikaso. Pinuri. Iginitna.

Minahal ng walang kundisyon.

Walang duda na sila ang itinuturing kong mga bayani ngayon. Ang lahat ng ito at marami pa ay ibinibigay nila sa atin ng walang kapalit. Ni pagkilala sa kanilang trabaho ay hindi parte sa ekonomiya. Ang magbuhay ng anak ay hindi biro. Kailangan nilang balansehen ang trabaho sa loob at labas ng tahanan. Sa loob ng tahanan, kailangan nilang alagaan hindi lamang ang mga pangangatawan at kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya, kailangan din nilang palaguin ang ugnayan at pakikitungo sa bawat isa. Bilang sa tahanan nagsisimula ang magandang pakikisama sa kapwa tao; ang impluwensiya nila ay mahalaga sa higit na malaking lipunan na kanilang kinasasapian.

Ang ating mga magulang ang mga bayani natin.

 

 

2012-58390

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s