BAYANi ng Bayan!

 

 

Ayon nga sa isang tula, “Bayan Muna bago Sarili” at kahit sa mga linya ng mga pulitiko tuwing eleksyon, kapakanan muna ng bayan raw ang dapat unahin bago ang pansariling interes subalit sadya bang hindi ito kadalasang nakikita kung susuriin ang kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan. Maraming taong may kapangyarihan na mas inuuna pa ang pansariling interes kaysa sa ikabubuti ng nakararaming Pilipino. Mayroon pa kayang Juan dela Cruz na uunahin ang bayan bago ang sarili? Isang Juan dela Cruz na maaaring tawaging BAYANi? Sa aking pananaw, nariyan pa sila. Marami pa ring indibidwal ang may dedikasyon sa paglilingkod at magiging tapat para sa kanilang kapwa. Naniniwala ako na lahat ay maaaring maging BAYANi kung bahagi sila ng bayan at mahal nila ito. Hindi naman kailangang magbuwis ng buhay para lamang maging isang bayani, sa mga payak na gawain, maaaring ipakita ang kabayanihan para sa bayan. Lalo na sa mga kabataang Pilipino, maabilidad tayo… Kung gagamitin lamang natin nang tama ang mga abilidad na ito, maaaring malaki na rin an gating maitulong sa pambansang pag-unlad. Malaking bagay na ang ating mga gagawin ay magiging kulektibo at naaayon sa progresibong kinabukasan. 

-Marcelo, Victor Jr. M. 2011-44549

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s