Mga Bayani sa Tabi-tabi

Ngayon ang huling araw ng Buwan ng Wika kaya hayaan nyong muling sa Filipino ko isulat ang blog post kong ito. Medyo matagal ko ring inisip kung paano ko isusulat ang blog post na ito. Hindi naman sa wala akong sagot sa tanong na “Sino ang mga bagong bayani?”, pero marami kasing puwedeng isagot na mahirap mamili ng isa lamang na pagtutuunan ko ng pansin. Magpopokus ba ko sa isang kwento ng kabayanihan? O magbibigay na lang ako ng isang overview kung ano ang bayani para sa akin. Syempre, gustuhin ko mang sabihin at pagtuunan ng pansin lahat ng ating mga bayani, hindi ko rin ito magagawa. Masyado silang marami. Marami kasi ang pumapasok sa criteria ng bayani para sa akin.

Ang  mga bayani para sa’kin ngayon ay hindi lamang mga katulad ni Bonifacio or ni Rizal na kailangang mamatay para sa bayan nila para maituring na bayani. Hindi rin sila mga katulad ni Penaflorida na kailangan pang bigyan ng titulo bagong tuluyang makilala bilang isang bayani. Ang bayani para sa akin ay isang taong mas pinipiling isipin muna ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kapakanan nila. Sa Ingles, ito ay tinatawag ng selflessness. Kung ganito ito iisipin, napakarami nga naman talagang taong papasok sa titulo na “bayani”. Pero siguro iniisip nyo, hindi naman puwedeng lahat ng taong selfless ay mga bayani. Maaaring ganoon nga iyon, pero hayaan nyo na magbigay ako ng ilang mga halimbawa upang mapakita ang puntong sinasabi ko.

Kahit kailan ba ay napansin nyo ang mga basurerong dumadaan sa tapat ng bahay nyo upang kolektahin ang inyong mga basura? Kahit kailan ba ay naisip nyo na ang mga mamamayang ito ay mga bayani? Baka hindi? May mga ilan kasing hindi ganoon kagandang komento minsan tungkol sa mga basurero na personal ko na ring narinig mula sa ibang mga tao. Sinasabi ng iba na ang babaho nila. Sinasabi nila na ang pagiging basurero ay isang hindi kanais nais na trabaho. Hindi mo nga naman sila masisisi. Pero hindi nyo ba naisip na baka isang malaking sakripisyo ang ginagawa ng mga basurero para sa atin at para sa kanilang pamilya? Isipin nyo. Sino ba naman talaga ang magnanais maging basurero? Pero pinagtatiyagaan ng mga basurero ito upang makapaguwi ng pera sa kanilang mga pamilya upang pangtustos sa marami nilang pangangailangan. Sa pananaw na ito bayani ang mga basurerong ito sa kanilang mga pamilya. Sa kabilang banda, bayani rin sila para sa atin. Pinagtatiyagaan nila ang baho ng basura, ang init ng araw, at iba pa. Ito ay isang malaking panganib sa kanilang kalusugan, pero kung hindi nila ito gagawin edi marumi na ang paligid na ating ginagalawan. Kahit na sabihin mong mabaho nga ang kanilang trabaho, isa itong klase ng baho nagdudulot ng kalinisan ng ating kapaligiran na nakasisigurado ng mabutong kalusugan.

Isa lang ang basurero sa mga masasabi kong bayani. Nandiyan din ang bumbero na nagbubuwis ng kanilang buhay para lang maligtas ang ating mga kababayan na nasusunugan. Kahit na inaaway sila minsan dahil mabagal daw silang rumisponde, o kung anu-ano pa, ginagawa pa rin nila ang kanilang mga trabaho. Mas naiisip nilang iligtas ang ibang tao kahit na ang buhay na rin nila ang nakataya. Nandiyan ang mga janitor na nakikita nating naglilinis sa iba’t-ibang lugar. Nakaiiwas din tayo sa maraming sakit dahil sa kanila. Nandiyan din ang iyong mga guro na kahit na mahirap ay mas iniisip na kailangan ka niyang turuan upang mabigyan ka ng magandang kinabukasan. Nandiyan din syempre ang iyong mga magulang na handang gawin ang lahat para lamang sa’yo.

Sila at marami pang iba ay mga bayani. Lahat ay maaaring maging bayani, basta’t, uulitin ko, mas iisipin lamang nila ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili nila. Maaaring siya ay isang tindera ng donut na nakikita mo sa kanto, maaaring siya ay security guard na binabantayan ang mga customer ng isang kainan, o maaaring siya ay isang karpintero na nag-aayos na bahay mo. Sila ang mga bayani sa tabi-tabi. Sila ang mga taong hindi mo mapapansin. Sila ang mga taong hindi mo masyadong iniisip. Maging ganito man, maaaring mga bayani sila para sa ibang tao.

Uulitin kong muli. Lahat ay maaaring maging isang bayani. Basta’t nandiyan lamang ang kagustuhan niyang makatulong sa iba at nandiyan ang puso niya na iniisip muna ang iba bago ang sarili niya, siya ay isang bayani. 🙂

 

-Samantha Cinco

Advertisements

3 thoughts on “Mga Bayani sa Tabi-tabi

  1. Indeed that is a point well put. True, with the calibre of people such as Dr. Rizal or Ninoy Aquino along with their feats which were nothing short of greatly laudable, the concept of Heroism has indeed attained such an eminent position. Frankly, it’s been placed upon a pedestal, atop an ivory tower; that being called a Hero is a laurel reserved only for the most outstanding individuals and their deeds “no mere mortal could’ve achieved,” so to say.

    Yet in that view, we miss out on the quintessence of what it means to be a hero, and a significant component of such is— basically, as you said— that characteristic of selflessness; that attribute of acting beyond self-interest which may usually entail sacrifice, one form or another, and not just sacrifice akin to martyrdom as per the Judeo-Christian connotation of the word. It can very well just be sacrifice with other significant people in mind. More so, in your illustrations, it’s sacrifice in the sense that one does something because other people do not wish to do so, that it’s something that has to be done.

    And if no one wants to do it, well, really, who will?

    Clearly, in that situation, we’ll need a hero to step in.

    • Exactly, sometimes people don’t seem to see the value in these simple acts. These acts may seem small and sometimes undesirable but they if these “side heroes” don’t do them, then no one will.

  2. I truly believe in this endeavor, I just wish there was more gratitude in these actions to further motivate people. Sometimes, people overlook a lot of things, which just demotivates actions, which is truly bothersome. Anyone can be a hero, with these characteristics, just sort of disappointing that more often than not people don’t tend to do these things. Sayang. If it’s one thing, being religious would truly help in pursuing this endeavor, gives people the humility and willingness to serve with immense passion and heart.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s