Ang Aking Mga Bayani

Kapag nababanggit ang salitang “bayani,” madalas kong naiisip ang mga taong nagsakripisyo ng buhay, mga sumikat dahil sa kanilang mga nagawa para maipaglaban ang bansa o kaya’y mga nakagawa ng pagbabago na ikinaunlad ng bayan. Madalas nanggaling ang mga bayaning ito sa panahon ng giyera o trahedya, ngunit bihira ko maisip na halos araw araw ay may nakakakita at nakakausap akong bayani.

Ang isang bayani ay isang nilalang na nagpapakita ng marangal na prinsipyo at walang sawang nagbibigay ng serbisyo sa sambayanan. Kung tutuusin, lahat naman tayo ay maaaring maging bayani, basta’t maging tapat at magsikap sa ating mga gawain na makabubuti sa iba at hindi lamang sa ating sarili.

Para sa akin, isang halimbawa ng mga bayaning ito ay ang mga magulang. Hindi biro maging isang magulang, sa oras na ipanganak ang kanilang anak, ang anak na nila ang unang prioridad sa kanilang buhay. Sila ang responsableng mag-alaga at magpalaki sa kanila. Lahat ng gastusin sa pagpapakain, sa tirahan at sa edukasyon sila ang nagbubuhat. Sila ang naglalaan ng oras upang tulungan at suportahan tayo sa mga problema ating kinahaharap. Sa lahat ng ating tagumpay at pagkabigo, nariyan lamang sila sa tabi handang ialay ang anumang tulong na kanilang maibibigay.Iba nga talaga ang pagmamahal na binibigay ng isang magulang, walang pasubali at walang katulad.

Maliban din sa mga nabanggit na, sila rin ang responsable sa pagtuturo sa susunod na henerasyon, sa kinabukasan ng bayan, ng tama at mali, ng mga prinsipyong magiging batayan kung anong klaseng tao sila sa kanilang paglaki. Naniniwala ako na kung paano at saang environment ka pinalaki, ito ay magiging malaking impluwensiya sa iyong pagkatao.

Maaari din masabi ang mga ito tungkol sa mga guro, sabi nga nila “second parents.”  Nagbibigay sila sa atin ng kinakailangan malaman para sa hinaharap, hindi lamang mga araling pangakademya kundi pangkatauhan o pangpuso rin, mga araling dadalhin natin hanggang tayo’y nabubuhay.

Hanga ako sa lahat ng nanay, tatay o sinumang nag-aruga ng anak, sa sinumang tinuturing na magulang ng isang bata. Kayo’y magigiting na bayani!

-Frances Abigail A. Reyes

Advertisements

4 thoughts on “Ang Aking Mga Bayani

  1. Naniniwala rin akong dapat nating ituring bilang mga bayani ang ating mga magulang sapagkat malaking impluwensiya sila sa kung ano tayo ngayon bilang mga mamamayan. Bukod sa mga karanasan sa buhay at sa ibang taong nakapaligid sa atin, malaking bahagi ang ginagampanan ng ating mga magulang sa paghubog sa atin bilang tao.

  2. Para sa akin, bayani ring maituturing ang ating mga magulang at sumasang-ayon ako sayo dun. Ito ay dahil lahat ng mga naging bayani o magiging bayani pa lamang ay hindi magiging huwarang mga tao kundi dahil sa tamang pagpapalaki sa kanila ng kani-kanilang mga magulang. Para naman sa mga guro, maituturing mo ring kabayanihan ang sakripisyo na inilalaan nila sa paghuhubog ng ating mga isipan dahil bagamat hindi malaki ang kinikita nila sa propesyon na ito, pinipili pa rin nila ito para sa kapakanan nating mga kabataan. 🙂

  3. Sang- ayon ako kahit na hindi ko agad naisip ‘yon. 🙂 Siguro nga, para sa isang anak, (maaaring) bayani (niya) ang kanyang mga magulang. Kahit na hindi sa lahat ng pagkakataon, tama ang kanilang nagiging desisyon, malaki ang nagawa, at ginagawa nilang sakripisyo para sa’ tin.

  4. Hindi ko rin maitatanggi na malaking bahagi ng aking kaalaman sa mundo ay mula sa aking mga guro Grateful to have great parents and great teachers ❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s