Si Teacher, Ang Aking Bayani

Itinuturing natin na bayani ang isang tao tuwing naiaalay nito ang kanyang buhay para sa ikauunlad, para sa pagbabago ng bayan. Karamihan sa mga kilalang bayani na inalala natin tuwing ika-26 ng Agosto ay namatay noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kabilang na rito ang pambansang bayani na si Jose Rizal, si Andres Bonifacio, si Melchora Aquino, si Apolinario Mabini, si Gregorio del Pilar at lahat ng nakipaglaban sa katiwalian at kasakiman noong unang panahon. Tulad ng aking nabanggit, yumao na ang mga taong kinikilala nating bayani ngunit hindi lamang ang mga yumao ang pwede nating ituring na bayani; mayroong mga buhay na bayani.

Sino na nga ba ang mga taong maaari nating ituring na buhay na bayani? Ang mga taong pinaka-nakikita ko bilang bayani ay ang mga taong nagtuturo sa atin – ang ating mga GURO.

Ang ating mga guro ay ang ating ikalawang magulang. Sila ang mga taong nagaalay ng kanilang oras upang ibahagi ang kanilang kaalaman. Hindi nila inaalintana ang hirap ng pagtuturo, ang pagod sa pagtayo, ang sakit sa lalamunan upang tayo ay maturuan at mabigyan ng sapat na kaalaman para sa ating hinaharap. Sila ang mga taong pilit na hinahabaan ang pasensya at patuloy na umuunawa sa ating mga kakulangan bilang isang mag-aaral. Sinasabi ng ilang tao na ang pagiging isang guro ay isang bokasyon, kung saan ika’y maglilingkod ng buong puso at hindi inaalintana kung mataas o mababa man ang sahod.

Ang mga guro natin ang mga taong nagpupuyat sa gabi upang maghanda ng aralin para sa susunod na araw. Sila ang mga taong nagpupuyat upang matapos mabigyan ng grado ang pagsusulit ng kanilang mga estudyante. Sila ang mga taong puyat sa gabi ngunit buong lakas, buong puso at buong siglang pumapasok at hinaharap ang kanilang mga estudyante. Sila ang mga taong hindi natin napapansin, dahil iniisip natin na sila ang nagpapahirap sa atin gawa ng mga binibigay nilang mga proyekto, takdang aralin at pagsusulit. Sila ay ilan sa mga taong lubos na nagmamalasakit sa atin. Sila ang mga taong naniniwala sa ating kakayahan. Sila ang mga taong nagtitiwala sa atin. Wala dahilan upang hindi natin sila ituring na isang bayani. Buong puso silang naglilingkod sa ating mga kabataan  dahil naniniwala sila na tayo ang pag-asa ng bayan; naglilingkod sila para sa ikabubuti ng bayan. Dakila sila. Dakila ang napiling daan ng mga gurong ito.

Saludo ako sa mga nabubuhay na bayani! Mabuhay at nawa’y marami pa ang maging katulad ninyo!

 

– Irah Angelica Padilla

Advertisements

4 thoughts on “Si Teacher, Ang Aking Bayani

  1. Tunay ngang dapat ituring na bayani ang ating mga guro dahil sa lahat ng kanilang dinaranas at pinagdadaanan upang makapagturo at makapaghubog ng isang indibidwal upang siya’y magkaroon ng mga makabuluhang kontribusyon sa lipunan at sa kaunlaran nito.

  2. Dapat lang na ituring na bayani ang ating mga guro dahil tulad nga ng iyong nabanggit, bagamat hindi malaki ang kanilang kinikita sa propesyong ito ay pinipili pa rin nilang manatili para patuloy na linangin ang isipan ng ating mga kabataan. Ito ay isang sakripisyo na hindi ginagawa ng lahat ng tao kung kaya’t dapat din natin silang bigyang pansin at pasalamatan.

  3. Naniniwala akong bayani ang ating mga guro. Just imagine their sacrifices. It’s just sad that they don’t get the limelight/credit they deserve.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s