SONA MO ITO

Hindi naman sa minamasama ko ang mga paraan nila upang ipagbigy-alam sa ating pangulo ang kanilang mga hinaing, ngunit hindi ba nakakatawang isispin na habang paulit ulit nilang sinasabi sa media na hindi sila aalis sa kanilang kinalalagyan hanggat hindi nila napakikinggan ang mga sasabihin ng pangulo ay patuloy pa rin ang mga rallyista sa kanikanilang mga programa kasabay ng mismong SONA. Sa tingin ko rin, base sa aking mga napanood na balita, mukhang hindi naman talaga nila ito napakinggan.

Para sa akin, naibigay naman ni PNOY ang mga impormasyong dapat nating malaman. Nakita ko naman ang katapatan at sinseridad sa kanya. Hindi pa naman ako nabubuhay ng ganoon katagal para maikumpara siya sa mga nagdaang pangulo ngunit, siya na ang pinaka-matino sa mga naabutan ko. Oo, alam ko rin namang marami pang kulang pero hindi naman talaga natin makukuha lahat ng ito.

Hindi ko na pahahabain pa ang aking opinyon. Hindi ko na rin babanggitin pa ang mga isyu at programang ibinahagi ng ating pangulo dahil alam ko namang alam niyo na ang mga ito. Ang akin lang, huwag na sana tayong tumulad pa sa iba na puro pagbatikos lamang ang ginagawa at hindi na binibigyang halaga ang mga magagandang nagawa ng administrasyon.

 

Image

 

Ivy Dissanayake

 2012-13812

Advertisements

One thought on “SONA MO ITO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s