SONA 2013

Sa ika-22 ng Hulyo taong 2013, inihayag ni Presidente Benigno “Noynoy” S. Aquino III ang kanyang ika apat na State of the Nation Address. Sinasabing ito ang pinakamahaba niyang SONA.

Ang kanyang SONA ay tumalakay sa iba’t ibang programang nagawa ng pamahalaan at ang mga balak pa nitong gawin sa susunod pang mga taon. Maraming tinalakay si P-Noy sa iba’t ibang kategorya gaya ng agrikultura, ekonomiya, edukasyon, atbp.

Ilan sa mga pinagmalaking nagawa ng kanyang administrasyon ay ang pagdomina ng kanyang mga senatorial candidates noong nakaraang May 2013 elections, ang tagumpay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pagkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga TESDA scholars, pabahay para sa mga infromal settlers at ang pagbulusok ng ating GDP noong nakaraang taon. Binigyang pansin din niya ang pagsasabatas ng RH Law, Sin Tax Law, AFP Modernization Act, at ang K-12 Law.

Ilan sa mga planong gawin ng ating pangulo ay ang palawigin pa lalo ang saklaw ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, intercropping para mas mapalaki pa lalo ang kita ng mga magsasaka, at ang pagkakaloob ng mga lupain sa Hacienda Luisita sa mga magsasaka sa darating na Setyembre.

Ilan lamang ito sa mga nabanggit ng ating Pangulo sa kanyang SONA, siguro nga ay malaki na ang mga naging pagbabago ng ating bansa ngunit hindi pa din siguro ito sapat para maiahon ang karamihan sa kahirapan. Siguro nga ay maraming pang pagdadaanan upang makarating tayo sa sinasabi ni P-Noy na “matuwid na daan”. Marahil ay hindi kaya na maiahon ang estado ng mga Pilipino sa termino ni P-Noy ngunit kung ipagpapatuloy ang magagandang programa at pauunlarin pa ito at magpapasa pa ng mga batas na siguradong makakatulong sa pag asenso ng mga Pilipino, siguradong mapupunta na tayo sa “matuwid na daan”.

 

-Wigie Paz

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s