Ganito ba dapat sa SONA?

Napansin ko lang na malaking porsyento ng SONA ng kasalukuyang presidente ay tungkol sa kanyang mga nagawa, para sa ilan ito raw ay isang “pagyayabang” ng presidente sa kanyang termino. Naitanong ko sa sarili: “Ganito ba dapat ang isang SONA?” Dahil dito, ninais kong tignan kung ganito ba talaga ang uri ng SONA ng ilan sa presidente ng Pilipinas. Aking ipagkukumpara ang ikaapat na SONA nang kasalukuyang president ng Pilipinas, Benigno S. Aquino III at nang dating president Manuel L. Quezon.

Ngayong ikaapat na SONA ng pangulo, mapapansin na tila halos ang buong naisambit niya ay ang mga naging pagbabago nang siya ay maupo sa puwesto. Hindi man kaaya-ayang sabihin ngunit halos naging pagyayabang lang ang nagawa niya sa buong SONA. Kita naman na ang ilan sa mga “malaking” pagbabago sa mga nakaraang taon sa loob ng kanyang termino sa mga estadistika, at sa tingin ko’y hindi niya na kinailangang sabihin pa ang lahat.

Ngayong ikaapat na taon niya na ito, dapat mas nagpokus na lang siya sa kung paano maipapatuloy ang mga magandang pagbabagong kanyang inumpisahan at nagawa sa bansa. Para sa akin, naging kulang ang pag-uulat niya sa pagapanatili ng “kaunlaran” ng bansa.

Kumpara sa ikaapat na SONA ng dating Pagulong Quezon ng Pilipinas, ang pormat ay ibang iba. Kung ating papansin, sa ikaapat na SONA ng dating pangulo, kanyang pinagtuunan ng pansin ang tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas, tungkol sa pagtanggal ng “sales tax” at ang pag-taas ng “income tax” sa bansa. At hindi mo maririnig/mababasa ang pagyayabang sa kanyang talumpati, kundi, iyong mababasa ang mga hakbang na kanyang gagawin para mas lalong paunlarin ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabago ng sistema nito lalo na sa usapin ng “tax.” Ang naging pokus nang dating pangulo sa kanyang SONA ay ang “social justice” na kanyang labis na pinagtuunan ng pansin sa kanyang termino, na may mas malaking epekto sa nakararaming Pilipino, ang mga mahihirap.

Kumpara sa ikaapat na SONA ng pangulo ngayon, ang SONA ng dating Pangulong Quezon ay mas pormal at mas prupesyonal ang dating. Ang pag-ulat ng mga tagumpay at inuumpisahag pagbabago ay nasa huling parte, ang mga ito ay nasa kanyang pagtatapos ng kanyang ulat o talumpati. Sa tingin ko, mas maganda ang ganitong uri ng SONA kumpara sa SONA ng pangulo ngayon, ang pagtuon ng pansin sa ilan pang problemang hindi pa nahaharap ng bansa at ang pagsabi ng mga hakbang na gagawin upang panatilihan ang pag-unlad ng Pilipinas.

Maaring basahin ang SONA ng dating Pangulong Manuel L. Quezon sa:
http://www.gov.ph/1948/01/24/manuel-l-quezon-fourth-state-of-the-nation-address-january-24-1938/

2012-47468

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s