SONA 2013 at ang MABUTING BAGAY DITO

Ang SONA ni pangulong Noynoy Aquino noong Hulyo 22, 2013 ay nagresulta ng iba’t ibang reaksyon mula sa sambayanang Pilipino. Marami ang sumang-ayon at namangha sa kanyang SONA. Marami din naman ang hindi sumang-ayon at bumatikos dito.

Nais kong tutukan hindi ang laman ng kanyang SONA kundi ang mabuting bagay na nakita ko sa kanyang SONA.

Kung ako ang tatanungin, ang ika-apat na SONA ni pangulong Noynoy Aquino ay makahulugan at ako ay namangha dito. Ang pagkamangha na aking naramdaman ay hindi dahil sa mga statistical data na kanyang ipinakita at mga nagawa niya noong nakaraang taon; ang pagkamanghang ito ay dahil sa tibay ng kanyang kagustuhan at determinasyon upang makamit ang pagbabago na nais niya at nais nating lahat.

Makikita natin ang kanyang paninindigan na magkaroon ng pagbabago sa kanyang pag-usig at pagkomento sa pamamalakad sa ilang ahensya dito sa ating bansa at ilan sa kanyang nabanggit ay ang National Irrigation Administration, Bureau of Customs at ang Bureau of Immigration. Buong tapang binanggit ng ating pangulo ang mga maling pamamalakad sa mga nabanggit na ahensya. Hindi niya inisip kung ano man ang magiging reaksyon ng mga namamahala sa ahensyang ito dahil alam niya na tama ang kanyang sinasabi at may maling pamamalakad na nagaganap sa mga ahensyang ito. Sino naman ang hindi mamamangha dito? Mahirap sabihin na ang kanyang ginawang pag-usig sa mga ahensyang ito, sa harap ng milyong-milyong Pilipino, ay isa lamang pagpapakitang- tao o hindi makatotohanan.

Sa SONA ni pangulong Noynoy, wala siyang sawa sa pagpapasalamat sa bawat Pilipino na nakikiisa sa pagbabago na hinahangad ng bawat isa. Bilang isang lider, mahalaga ang pagkilala sa mga nagagawa ng kanyang nasasakupan. Ang pagkilala sa mga nagagawa ng nasasakupan ay nakakapag-udyok na ipagpatuloy ang mabuti at pakikiisa sa pag tupad ng mga layunin. Nakakapag-himok din ito ng ibang miyembro ng nasasakupan na makiisa sa layunin.

Nagpakita ang ating pangulo ng isang halimbawa kung paano maging isang lider, hindi lamang ng bansa kundi isang lider sa ating simpleng pamumuhay. Hindi lamang ang makiisa sa pagbabago ang hamon niya sa ating mga Pilipino kundi makiisa sa pagbabago ng buong katapatan, determinasyon at pagkilala sa iba.

Sa mahabang SONA ng ating pangulo, sana nakikita natin kung paano niya tayo pinamumunuan, kung anong klaseng pangulo siya. Sana ang mabubuti nyang katangian ay magsilbing inspirasyon sa atin upang maging isang lider sa kapwa natin, sa bawat isa. Tayo ay maki-isa sa pagbabago na walang takot na hinaharap, na buong puso at buong katapatan na pupuksa sa katiwalian at determinado na makamit ang mithiin ng bawat Pilipino – pagbabago at kaunlaran.

 

-IRAH ANGELICA PADILLA

Advertisements

One thought on “SONA 2013 at ang MABUTING BAGAY DITO

  1. I agree. It is of utmost importance that the president continue his promise in his inaugural speech– “Kayo ang Boss Ko” and his stand in fighting the war against corruption. Now, I see it very clearly that the focus of his administration is fast becoming a reality. The naming of the several underperforming agencies, is a bold but brave move from his part and, for me, it is a great example of how the President follows the mandate of the people: good governance.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s