Masarap nga bang Maging Pilipino sa Panahong ito?

“Pilipino ako. Ang sarap maging Pilipino sa panahong ito.”

-Pres. Benigno SImeon Aquino III

Masarap nga bang maging Pilipino sa panahong ito? Maaaring may magsabi sa inyo ng oo at mayroon ring magsabi ng hindi. Ngunit bakit nga ba nasabi ni PNoy na masarap ang maging Pilipino ngayon?

Halo-halo ang naging reaksyon ng taong bayan sa ika-apat na SONA ng ating pangulo. Maski ako ay hindi rin sigurado sa magiging reaksyon ko sa SONA. Simulan natin sa mga positibong bagay. Marami ang humanga sa paglalatag ng pangulo sa mga naging pag-unlad ng bansa sa iba’t ibang sektor. Katulad na lamang ng pagtaas ng GDP ng ating bansa sa unang talong buwan ng kasalukuyang taon, ang maraming kabataang nakapagtapos sa tulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ipinagmalaki rin niya ang pag-unlad ng agrikultura sa bansa. Natuwa ako sa mga magagandang balita pati mga numerong ipinagmalaki niya sa buong bansa, subalit nakukulangan pa rin ako. Pakiwari ko ba ay hindi pa rin sapat ang mga bagay na ito upang masabi na umaayos ang kalagayan ng ating bansa.

May mga bagay na hindi nabanggit si PNoy, Isa na dito ang usapin tungkol sa relokasyon ng mga informal settlers. Nabanggit niya na marami pang maipapatayo na bahay sa mga relocation sites subalit malayo ito sa realidad na nakikita natin sa ngayon. Hindi rin niya nabanggit ang mga OFW na malaki ang naibabahgi sa GDP ng ating bansa.

Samakatuwid, natuwa naman ako sa SONA ng pangulo. Natural naman sa ating mga Pilipino na maging makabayan at sabihing masarap ang maging Pilipino, mahirap ka man o mayaman. 

 

-Therese Lee R. de Vera

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s