“SONA po ninyo ito”

Noong Hulyo 22, 2013 ginanap ang ika-apat na State of the Nation Address o SONA ng ating pangulong Benigno Aquino III. Ito ay isang pampublikong paglalahad ng mga nagawa ng administrasyong Aquino sa nakalipas na taon. Ito ang ilang mga punto na aking nakalap habang pinapanood ko ang SONA sa telebisyon.

 

– Mayroong mahigit 4 na bilyong pisong badyet ang sektor ng edukasyon at sektor ng kalusugan dahil sa buwis.

– Nakatipid ng 28 piso kada libro ang DepEd ngayong taon.

– Tumaas ng 3.3 % ang sektor ng agrikultura at bumababa na ang bilang ng ating inaangkat na bigas sa ibang bansa.

– Mas marami na ang mga Pilipinong saklaw ng benepisyo ng PhilHealth at mas marami narin ang makukuhang benepisyo mula rito.

– May nakalaang 33 bilyong piso para sa rehabilitasyon ng 4,518 na ospital sa bansa at 6.2 bilyong piso naman para masolusyonan ang problema ng pagbaha sa Metro Manila.

– Umunlad ang turismo ng bansa at nakapagbigay ito ng 3.8 bilyong trabaho noong 2011.

– Lumawig at naipasa ang iba’t ibang proyekto at batas tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Sin Tax Law.

– Tumaas ang GDP ng Pilipinas ng 7.8 % sa unang tatlong buwan ng taon.

– Pinuri ng pangulo ang iba’t ibang tao tulad ni Armin Luistro, Albert del Rosario, mga miyembro ng kapulisan at AFP at mga rescue volunteers at sinabi rin niya na papanagutin ang lahat ng may sala.

 

Ngunit bukod sa mga impormasyong ito, mas binigyang pansin ko ang iba pang sinabi ng pangulo na sa aking palagay ay puro katotohanan lahat. “Tamang metodolohiya ang susi sa pagkamit ng tamang solusyon sa problema.” “Kung hindi mo nagagawa ang iyong trabaho, hindi ka dapat manatili sa puwesto.” “Kayo po (mga Pilipino) ang gumawa ng pagbabago, SONA po ninyo ito.”

 

Sa aking palagay, tama talaga ang ating pangulo. Mga Pilipino ang dapat gumawa ng  tamang aksyon at solusyon para makamit ang inaasam na pagbabago. Si PNoy ay isa lamang ring Pilipino na binoto at pinili ng bansa upang pamunuan at tulungan tayo para makamit ang pagbabago sa tulong narin ng iba pa nating kababayang Pilipino. Para sa akin, ito ang pinakaimportanteng sinabi ng pangulo sa mahigit kumulang dalawang oras ng kanyang paglalahad.

 

Tayo ang dapat gumawa ng pagbabago, SONA natin ito!

 

– Carlos John A. Mejia

Advertisements

One thought on ““SONA po ninyo ito”

  1. I agree. Our president isn’t the only person involved in changing our country but also us, the people, are responsible to whatever happens to us. We shouldn’t blame the person who has the misfortune of guiding a nearly sinking ship like the Philippines but also ourselves. It may not be a SONA one is hoping for to hear but it definitely gives our other brethren hope. The question is, when will that hope lead to anything worthwhile?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s