SONA 2013: Hamon kay PNoy, Hamon sa Pinoy

Matapos kong mapanood ang State of the Nation Address ng ating Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong Lunes, ika-22 ng Hulyo 2013, napagpasyahan kong basahin na rin ang mismong kopya ng kanyang pag-uulat mula sa. Naging naratib ang nasabing pag-uulat ng pangulo sa kundisyon ng ating estado sa kasalukuyan. Masasabi kong hindi maitatanggi na mayroong magagandang bagay ang nagawa ng administrasyong ito , subalit, sadyang napakarami pa ring isyung panlipunan ang dapat kaharapin ng pamahalaan pati na rin tayong mga simpleng mamamayan. Kung susuriing mabuti ang nasabing pag-uulat, mapapansin na may mga sektor pa rin o isyu na hindi nabanggit ng ating pangulo tulad ng Freedom of Information Bill, badyet sa SUC’s, at  iba pa. Natuwa naman ako na may datos na ipinakita ang pangulo na galing sa mga mapagkakatiwalaang ahensya. Nalulungkot lamang ako na kasabay ng magandang ulat mula sa mga impormasyong ginamit ng ating pangulo, makikita pa rin ang napakaraming implikasyon sa ating lipunan  na hindi maitatanggi. Hindi pa rin bumababa ang bilang ng mga nagugutom sa ating bayan; kulang pa rin tayo sa pagtutustos ng sa mga social services; at patuloy pa rin ang corrupt sa sistema. Para bang nag-iiba lamang ang mga mukha sa pagpapalit ng administrasyon ,ngunit, magkakatulad pa rin ang mga problema na kinahaharap noon at ngayon. Sa kabilang dako, humanga ako sa katapatan at katapangan ng ating pangulo sapagkat patuloy nyang sinusugpo ang korupsyon sa loob ng sistema sa kabila ng agam-agam ng masa. Bukod pa rito, hindi siya nahiyang aminin ang kanyang pagkukulang sampu ng mga bumubuo ng kanyang administasyon. Sa huli, isang malaking hamon kay PNOY kung papaano niya masusugpo ang mga lumalawak na problema sa kahirapan sa nalalabing tatlong taon niya bilang pangulo ng Pilipinas. Masasabi ba nating tayo ay nasa daang matuwid at Boss niya? Pero may hamon ring iniwan sa atin pagkatapos ng pag-uulat ng ating Pangulo…. Ano ba ang magagawa natin para sa tunay na pagbabago? Panahon na siguro para magtulungan ang bawat isa sa pagtamo ng tunay na inclusive growth na sinasabi ng ating pamahalaan. Simulan din sana natin ang pagkilos para sa isang progresibong pamayanan.

Victor Marcelo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s